Friday, August 27, 2010

Wednesday, August 11, 2010

HANGGANG SAAN??? HANGGANG KELAN???

Minsan, sa buhay ng isang tao, dumarating ang pagkakataon na kailangan mong magparaya, kailangan mong lumayo, kailangan mong mag let go at kailangan mong tanggapin ang katotohanan.

Masakit daw tanggapin ang katotohanan pero syempre, depende yun sa bagay na kailangan mong malaman. Mga pagkakataong kailangan mong tanggapin, kahit sobra sobrang sakit. Wala ka namang magagawa eh, kahit sobrang sakit, kailangan maging matapang ka, maging matatag ka. Oo, minsan, sa harap ng ibang tao, pinapakita natin na hindi tayo apektado, na matapang tayo, na kahit nahihirapan tayo, pilit pa rin nating pinapakita na kaya natin...sa oras lang na yun, pero kapag nag-iisa ka na, huh! Dun mo malalaman kung paano ang tunay na masaktan, may magagawa ka pa ba? Wala na, kundi ang lumuha na lamang dala ng kirot sa puso mong ramdam na ramdam mo kung gaano katindi at kahapdi ang dulot ng pighati.

At darating ang sandali na muli mo na namang tatanungin ang sarili mo, “bakit ganito na naman? Bakit muli ko na namang nararamdaman ang sakit na naramdaman ko noon?” Kaya nga kahit nasasaktan na tayo, patuloy pa rin ang pagtibok ng puso natin, tibok ng pagdaramdam at pag nagmamahal naman ay tibok ng di maipaliwanag na kaligayahan. Minsan, o hindi lang minsan, sinasabi natin sa sarili natin na, “ayaw ko na, ayaw ko na talaga, ang sakit sakit eh, tama na”...pero anong nangyayari, hindi ba pag okey ka na ulit, dumarating na naman ang pagkakataon na muli ka na namang iibig? At heto ka na naman, naaalala mong muli ang nakaraan, ngayon nag-iisip ka at patuloy na binubulong sa sarili mo na, “paano kung masaktan na naman ako ulit?” eh tinanong mo ba sa sarili mo na, “paano kung s’ya na talaga, paano kung s’ya na pala ang makakapagbigay ng tunay na pagmamahal na hangad ng bawat ninuman sa atin?”...kaya nga, hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo muling susubukan. Basta ang tanging nararapat mo lang gawin, kapag muli kang sumubok at sumuong, siguraduhin mong handa ka sa dalawang bagay, handang lumigaya sa piling ng napili mo at handa ring masaktan kung sakaling dumating ang bagay na kinatatakutan mong muling mangyari.

Kaya nga, pag nagmahal ka, gagawin mo lahat, as in lahat lahat para lang sa minamahal mo. Minsan kahit ayaw mo, pero dahil sa pagmamahal mo sa kanya eh nagagawa mo na rin at nagugustuhan ang anumang ayaw mo sa buhay. Pag-iintindi, pasensya, bagay na gusto n’ya, lahat nagawa mo na ng hindi ka humingi ng anumang kapalit at nagagawa mo yun dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya. Pero bakit tila minsan, nauuwi pa rin sa wala ang lahat? Na parang nababalewala lang at tila hindi binibigyang pansin at importansya? Minsan, nararamdaman natin yun, kadalasan nangyayari yun, nagkakaroon tayo sa sarili natin ng pag-aalangan kung ikaw ba ay mahal pa rin ng taong pinili mong mahalin. Na bakit kaya habang lumilipas ang mga araw, bakit parang nawawala na ang dating sigla ng dalawang pusong nagmamahalan? Ngayon, maitatanong mo sa sarili mo, “may nagawa na naman ba akong pagkakamali? May kulang pa ba? Sino kaya ang may problema, ako ba o s’ya?” hindi lang yan, kundi napakarami pang tanong mo sa sarili mo pero hindi mo magawang sagutin, na kadalasan, kahit mahal mo, hindi nya rin masagot sa’yo ng diretso...sa kung bakit, dahil siguro sa ngayon ay ayaw ka pa n’yang masaktan...o maaring may iba pang dahilan na ayaw nyang sabihin sa’yo dahil nakikita n’ya o nararamdaman n’ya agad kung ano ang maari mong maramdaman sa oras na sabihin n’ya na yun....yun ay ang bagay na kinatatakutan mong marinig at malaman....ang sabihin sa’yong.........”HINDI NA KITA MAHAL”.....yun! magtatanong ka pa ba kung bakit? Kung sakaling malaman mo ba ang sagot sa tanong mo, magbabago pa ba ang feelings n’ya sa’yo? Anong gagawin mo, magmamakaawa ka na bigyan ng second chance na kung may nagawa kang pagkakamli ay itutuwid mo at kung may pagkukulang ka ay iyong pupunuan? Ang tanging binibigyan lamang ng second chance ay kung may nararamdaman pa s’ya sa’yo. Kung bibigyan ka ng second chance dahil lang sa awa sa’yo na nakikita n’yang nahihirapan ka dahil sa sakit na nararamdaman mo, matatanggap mo ba? Huh! Magpakatotoo ka sa sarili mo, wag kang maging makasarili, at mas lalong wag kang plastik. At kung ikaw naman ang nag-iisip na magbigay ng second chance, mag-isip ka rin ng makalibong beses bago ka mag decision dahil baka sa bandang huli, mas lalo mo lang s’yang mapasakitan, binigyan ng pangalawang pagkakataon pero alam mo naman na iiwanan mo rin naman s’ya in the end...wag naman sana ganun, kawawa yung taong nasasaktan mo at masasaktan mo...kung ayaw mo na, sabihin mo tama na, it doesn’t work out, wag kang magpaasa sa wala dahil mas lalo mo lang palalakihin ang sugat na maari mong ibigay sa kanya...pag wala na, tama na, pag ayaw na, wag pilitin, dahil hindi nakukuha sa sapilitan ang tunay na nararamdaman ng isang tao, kusang umuusbong yan, kusang titibok yan pag oras n’ya ng tumibok, kusang darating yan pag oras n’ya ng dumating. Kusang iibig yan pag oras n’ya ng umibig. Wag mong sayangin ang puso mong magmahal sa hindi tamang pamamaraan, panahon...at tao.

Hanggang saan ba ang katatagan mo? Hanggang saan ka ba handang magparaya para lang maging masaya ang taong mahal mo? Hanggang saan mo ba kayang tanggapin at tiisin ang sakit? Hanggang saan at hanggang kailan ka susubok magmahal at muling masaktan?

Hanggang sa makamtan ko ang tunay na kaligayahan, hanggang sa matagpuan ang tunay na mamahalin at tunay na magmamahal sa akin at tanging kamatayan ko lamang ang tanging makakapagpahinto ng pagtibok ng puso ko upang muling magmahal at umibig ng totoo sa totoong tao kahit paulit ulit mang masaktan, kahit paulit ulit mang masugatan, kahit paulit ulit mang madapa, hanggang sa dumating ang itinakda para sa akin. At idinadalangin ko sa Maylikha sa atin, na sana...sana...at sana ay IKAW na yun.

Saturday, August 7, 2010

If You're Offended, Please Read This.

Even if you didn't mean to hurt them, if they took your words/actions out of context and later tell you that your words were offensive what would you do?

  1. Admit you were wrong "A wise man receives reproof and grows wiser still"
  2. If you offend someone and realize it, just apologize and ask for forgiveness.
  3. Sometimes the person won’t say they were offended, but usually you can tell by the way they look that they were offended. In this case, don’t apologize but instead explain the reason for the statement (hopefully it’s a good one) just after you have made the offensive remark.
  4. Try to remind myself to value the relationship more than I value being right, making a point or winning the argument.
I’ve come to realize that some people may read installments of my blog or comments and be offended by what I have to say. I’m not referring so much to those without a Christian viewpoint as I am to those who do have that perspective, but feel that my words seem “preachy” and judgmental. No one has the capacity to take offense as much as those who are close to your own beliefs, but who see things from a little different perspective.

To those of you who may be offended by anything I have written, I ask that you consider a couple of questions:
  1. Are you in disagreement with what I have stated from a scriptural point of view?
  2. Are you put off by the delivery as it has been made?
If you are in the first category - that is, having a scriptural difference with anything I have said. I encourage you to tell me about what you believe to be in error. I am ready and open to learning.

The second category – offense at the style of presentation is harder to deal with. One of my prime reasons for writing this blog is to develop forceful arguments. This may appear to some as offensive. I apologize if you are hurt because some of the topics may touch deeply at the core of your own experiences.



Sana MAGALING ako MAGSALITA at MAGSULAT. :(


Sana magaling akong magsalita at magsulat...

  • Para naisasalin ko nang maayos ang nasa isip ko.
  • Para naipagtatanggol ko nang mahusay ang mga argumento ko.
  • Para sabihin sa mga mapanghusga na wala silang karapatang sumatsat dahil simula't sapul, hindi naman sila nagsisiyasat!
  • Para mapatunayan ko sa kanilang kung pagiging makasarili lang din naman ang pag-uusapan, hindi ako 'yon.
  • Para sabihing ang buhay ay para sa ideyal. May prinsipyo ka ba? May paninindigan ka ba? Para sabihin sa lahat na hindi kami kumikilos nang basta-basta. May prinsipyo kaming pinanghahawakan. At ito'y aming paninindigan.

Totoong minsan naiisip ko rin na bakit kami? Hindi ba dapat bilang kabataan nag-aaral lamang kami at nag-e-enjoy? Ngayon tila ang kabataan ang pumapasan sa mga problemang kinakaharap ng sambayanan. At hindi pa ito kalakhan ng kabataan. Iilan lang ang tunay na lumalaban. Bakit kami? Hindi ba maaaring 'yung iba na lang? Hindi ba maaaring tumengga na lang ako sa bahay at manood ng TV? Pero dahil sa mga naisulat ng iba, ngayon ay naiintindihan ko na. Hindi nagbibiro si Rizal nang sabihin niyang "ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan". Madalas mo 'yang naririnig ngunit dinidinig mo rin ba ang mga kabataang nagsasabuhay sa linyang 'yan? O sarili mo lang ang naririnig mo?

Ang daming sumasatsat, hindi naman nagsisiyasat. Ang daming nagrereklamo, hindi naman marunong tumayo.

Dahil sa mga naisulat ng iba, ngayon ay naiintindihan ko na.
Sana nga talaga magaling akong magsulat para masabi sa inyo na higit anupaman, lumalaban ang kabataan para sa inyo. Tanggapin niyo man o hindi ang pagmamahal na 'yan, walang magbabago.

Hindi ko talaga maiwasang hindi madismaya... o malungkot. Sabihan ka ba namang "Bakit, sinabihan ba namin kayong ipaglaban niyo kami?". Sumbatan ka ba namang makasarili, makitid ang utak, at walang patutunguhan. Ikaw kaya, ikaw kaya ang pagsabihan nyan ng mga taong handa mong ipaglaban hanggang kamatayan? Ipaglalaban mo pa ba? Oo.

Kakaunti lang kayo ngayong makakabasa nito. Pero ito ay simula. Isang simulang maaaring makapagdulot ng pagbabago. Balang araw maisusulat ko rin 'to.

Halika! Usap tayo! FACE-TO-FACE! ☺

WHEN was the last time you opted for a conversation face-to-face over a phone call or an e-mail? Admittedly, keeping in touch with friends through text messaging and e-mail is more convenient. You don't need to set a date to converse. In between meetings, in between chores, you and a friend can talk about current events. All it takes is punching in letters, numbers, and the "Call" or "Send" button. Nothing compares to having that conversation for real, though, catching those words as you see them pour out of your friend's mouth. Nothing compares to seeing your friend's eyes glisten as she talks about her wedding, or going for high fives in between talks with your buddy. Then there are the hugs and kisses, the handshakes and gestures. So much emotion can be conveyed without the use of words. With face-to-face time, there's also the fact that you both made time to meet. It shows how you value each other's presence even more. Even with all the rushing and the work, sharing a cup of coffee with a friend, a much-needed reconnecting with your loved ones, even yourself. Think about it -- how do we really know how someone is if we don't see them? Words can say a lot and can mean anything. While words can express thoughts, they can also be used to mask emotions. Seeing someone right before your eyes can help do without those word masks. See for yourself, and believe. True, we can't be face-to-face with our loved ones all the time. But do make the effort and see the difference. Much can be said without words, and only being with your friend in the flesh can help you understand that.

A Student's Prayer


Every day as I pray to You
May You bless all the things I do
Study, sleep, eat or talk
Guide me in my daily walk

Sorry for mistakes of past
Make me run from sin so fast
Thank You Lord for everything
Truly You alone are King!

At school I hope I may learn
And through diligence, good grades earn
To put all knowledge to good use
As I all ways of cheating lose

Bless my family, teachers and friends
(Earthly angels You have sent)
And grant one wish all the while
In my life ~ to make You smile.

Amen.

Sunday, August 1, 2010

DREAM DREAM DREAM


DREAMING... ☺☺☺

This is the start of my DREAMS...

To be a PROFESSIONAL.
To have a stable CAREER.
To be SUCCESSFUL in life.



To SUPPORT my FAMILY.
All of them are my INSPIRATION.
I LOVE THEM ALL.



To SHARE and HELP others.
To GIVE back to people who are in need.
It's more REWARDING to GIVE than to RECEIVE.
I LOVE the FEELING when I make other people HAPPY.






MY DREAM HOUSE.... ☺



MY DREAM CAR



MY DREAM WEDDING.
With the MAN I LOVE
and who LOVES me back.



To have MY OWN FAMILY.




T☺ BE WITH GOD... ♥

-Loi's Dream