Wednesday, June 30, 2010

Okey Lang Yan!

Kaysarap mabuhay sa mundong ibabaw
Kahit kasakitan ang nangingibabaw
Ang buhay ay di natin masasaklaw
Ni malulukob ng buong balintataw!

Kung maramdaman mo, pasakit ng mundo
Kung maranasan mo ang lindol at bagyo
Kung malunod ka sa dagat ng simbuyo
Okey lang yan kaibigan, 'wag kang susuko!

Ang pait ng buhay, 'wag mong iluluwa
Kung kapalit nito'y ligaya at tuwa
Lunukin mong pilit, lasa ma'y masama
Subukan mo, wala namang mawawala.

Kung malampasan mo ang alon ng dagat
At sa pampang nito ika'y mapagalak
'Wag kang pakasiguro sa hinaharap
Pagkat bukas ay 'di ka nakatitiyak!

Sa lahat ng iyong mga nadaanan
Nawa'y maalala payong kaibigan
Huwag kang susuko sa anumang laban
Kaya mo 'yan kaibigan, okey lang yan! :)

2 comments:

  1. ```love is colorful as you see the through reason beyond it dba, nasa tao yan if he want to be happy or not as long as we dont hurt somones feelings

    ReplyDelete
  2. Salamat salamat, halos lahat may comment ka. salmat gem. haha

    ReplyDelete