Facebook Pictures

Saturday, August 7, 2010

Sana MAGALING ako MAGSALITA at MAGSULAT. :(


Sana magaling akong magsalita at magsulat...

  • Para naisasalin ko nang maayos ang nasa isip ko.
  • Para naipagtatanggol ko nang mahusay ang mga argumento ko.
  • Para sabihin sa mga mapanghusga na wala silang karapatang sumatsat dahil simula't sapul, hindi naman sila nagsisiyasat!
  • Para mapatunayan ko sa kanilang kung pagiging makasarili lang din naman ang pag-uusapan, hindi ako 'yon.
  • Para sabihing ang buhay ay para sa ideyal. May prinsipyo ka ba? May paninindigan ka ba? Para sabihin sa lahat na hindi kami kumikilos nang basta-basta. May prinsipyo kaming pinanghahawakan. At ito'y aming paninindigan.

Totoong minsan naiisip ko rin na bakit kami? Hindi ba dapat bilang kabataan nag-aaral lamang kami at nag-e-enjoy? Ngayon tila ang kabataan ang pumapasan sa mga problemang kinakaharap ng sambayanan. At hindi pa ito kalakhan ng kabataan. Iilan lang ang tunay na lumalaban. Bakit kami? Hindi ba maaaring 'yung iba na lang? Hindi ba maaaring tumengga na lang ako sa bahay at manood ng TV? Pero dahil sa mga naisulat ng iba, ngayon ay naiintindihan ko na. Hindi nagbibiro si Rizal nang sabihin niyang "ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan". Madalas mo 'yang naririnig ngunit dinidinig mo rin ba ang mga kabataang nagsasabuhay sa linyang 'yan? O sarili mo lang ang naririnig mo?

Ang daming sumasatsat, hindi naman nagsisiyasat. Ang daming nagrereklamo, hindi naman marunong tumayo.

Dahil sa mga naisulat ng iba, ngayon ay naiintindihan ko na.
Sana nga talaga magaling akong magsulat para masabi sa inyo na higit anupaman, lumalaban ang kabataan para sa inyo. Tanggapin niyo man o hindi ang pagmamahal na 'yan, walang magbabago.

Hindi ko talaga maiwasang hindi madismaya... o malungkot. Sabihan ka ba namang "Bakit, sinabihan ba namin kayong ipaglaban niyo kami?". Sumbatan ka ba namang makasarili, makitid ang utak, at walang patutunguhan. Ikaw kaya, ikaw kaya ang pagsabihan nyan ng mga taong handa mong ipaglaban hanggang kamatayan? Ipaglalaban mo pa ba? Oo.

Kakaunti lang kayo ngayong makakabasa nito. Pero ito ay simula. Isang simulang maaaring makapagdulot ng pagbabago. Balang araw maisusulat ko rin 'to.

11 comments:

  1. your blog was good. madami ka pang pwedeng isulat. wag ka lang matatakot sabihin ng lahat ng nararamdaman mo. kaya mo yan.

    (Crizalde Ramos)

    ReplyDelete
  2. astig yung ulo ng tao bibig ...

    ReplyDelete
  3. ang galing,, astig toh loi.. hehe,, sana aku din, ang hirap kc dumepensa eh,, lalo n kpag ung taong kasagutan mu ay inportante sau,, wal kang ngawa kundi tanggapin ung sinasvi nila.. hehe.. (sffected aku eh noh) haha..

    ReplyDelete
  4. ```aq din ang hirap kc pag ndi k marunong ng mga bgay n yan, mas lalo kng nadidiin dba pero wag ntin naisin n gnyan kung para sa ating sariling kapakanan,

    ReplyDelete
  5. kaya nga pilitin natin gawin, para din satin yan.

    ReplyDelete
  6. para sa kinabukasan din ng sarili yan. :))))))))))

    ReplyDelete
  7. It's so true shaynne! kasama sa buhay! Salamat!

    ReplyDelete
  8. MAgaling ka LOI..... Kailangan mo lang ng tiwala sa sarili ...... at dapat hindi ka mahiya dahil alam namen kayang kaya mo talga ...... Andto lang naman kami palage sumusuporta .... :-)

    ReplyDelete
  9. agree..agree..TA-MA! mgtiwala sa sarili..mgayos din ng SARILI! para hindi plge luluwas ng manila!hahaha..LETS ALL MOVE ON OKIE??


    -Bitterness..=)

    ReplyDelete
  10. Grace - Salamat salamat salamat, super salamat! d2 lng dn ako para senyo.

    Bitterness - OK OK cge cge, wala namang masama sa pagiging baduy, hehe.

    ReplyDelete
  11. kilala ko si bitternesss! :)

    ReplyDelete