Minsan, sa buhay ng isang tao, dumarating ang pagkakataon na kailangan mong magparaya, kailangan mong lumayo, kailangan mong mag let go at kailangan mong tanggapin ang katotohanan.
Masakit daw tanggapin ang katotohanan pero syempre, depende yun sa bagay na kailangan mong malaman. Mga pagkakataong kailangan mong tanggapin, kahit sobra sobrang sakit. Wala ka namang magagawa eh, kahit sobrang sakit, kailangan maging matapang ka, maging matatag ka. Oo, minsan, sa harap ng ibang tao, pinapakita natin na hindi tayo apektado, na matapang tayo, na kahit nahihirapan tayo, pilit pa rin nating pinapakita na kaya natin...sa oras lang na yun, pero kapag nag-iisa ka na, huh! Dun mo malalaman kung paano ang tunay na masaktan, may magagawa ka pa ba? Wala na, kundi ang lumuha na lamang dala ng kirot sa puso mong ramdam na ramdam mo kung gaano katindi at kahapdi ang dulot ng pighati.
At darating ang sandali na muli mo na namang tatanungin ang sarili mo, “bakit ganito na naman? Bakit muli ko na namang nararamdaman ang sakit na naramdaman ko noon?” Kaya nga kahit nasasaktan na tayo, patuloy pa rin ang pagtibok ng puso natin, tibok ng pagdaramdam at pag nagmamahal naman ay tibok ng di maipaliwanag na kaligayahan. Minsan, o hindi lang minsan, sinasabi natin sa sarili natin na, “ayaw ko na, ayaw ko na talaga, ang sakit sakit eh, tama na”...pero anong nangyayari, hindi ba pag okey ka na ulit, dumarating na naman ang pagkakataon na muli ka na namang iibig? At heto ka na naman, naaalala mong muli ang nakaraan, ngayon nag-iisip ka at patuloy na binubulong sa sarili mo na, “paano kung masaktan na naman ako ulit?” eh tinanong mo ba sa sarili mo na, “paano kung s’ya na talaga, paano kung s’ya na pala ang makakapagbigay ng tunay na pagmamahal na hangad ng bawat ninuman sa atin?”...kaya nga, hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo muling susubukan. Basta ang tanging nararapat mo lang gawin, kapag muli kang sumubok at sumuong, siguraduhin mong handa ka sa dalawang bagay, handang lumigaya sa piling ng napili mo at handa ring masaktan kung sakaling dumating ang bagay na kinatatakutan mong muling mangyari.
Kaya nga, pag nagmahal ka, gagawin mo lahat, as in lahat lahat para lang sa minamahal mo. Minsan kahit ayaw mo, pero dahil sa pagmamahal mo sa kanya eh nagagawa mo na rin at nagugustuhan ang anumang ayaw mo sa buhay. Pag-iintindi, pasensya, bagay na gusto n’ya, lahat nagawa mo na ng hindi ka humingi ng anumang kapalit at nagagawa mo yun dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya. Pero bakit tila minsan, nauuwi pa rin sa wala ang lahat? Na parang nababalewala lang at tila hindi binibigyang pansin at importansya? Minsan, nararamdaman natin yun, kadalasan nangyayari yun, nagkakaroon tayo sa sarili natin ng pag-aalangan kung ikaw ba ay mahal pa rin ng taong pinili mong mahalin. Na bakit kaya habang lumilipas ang mga araw, bakit parang nawawala na ang dating sigla ng dalawang pusong nagmamahalan? Ngayon, maitatanong mo sa sarili mo, “may nagawa na naman ba akong pagkakamali? May kulang pa ba? Sino kaya ang may problema, ako ba o s’ya?” hindi lang yan, kundi napakarami pang tanong mo sa sarili mo pero hindi mo magawang sagutin, na kadalasan, kahit mahal mo, hindi nya rin masagot sa’yo ng diretso...sa kung bakit, dahil siguro sa ngayon ay ayaw ka pa n’yang masaktan...o maaring may iba pang dahilan na ayaw nyang sabihin sa’yo dahil nakikita n’ya o nararamdaman n’ya agad kung ano ang maari mong maramdaman sa oras na sabihin n’ya na yun....yun ay ang bagay na kinatatakutan mong marinig at malaman....ang sabihin sa’yong.........”HINDI NA KITA MAHAL”.....yun! magtatanong ka pa ba kung bakit? Kung sakaling malaman mo ba ang sagot sa tanong mo, magbabago pa ba ang feelings n’ya sa’yo? Anong gagawin mo, magmamakaawa ka na bigyan ng second chance na kung may nagawa kang pagkakamli ay itutuwid mo at kung may pagkukulang ka ay iyong pupunuan? Ang tanging binibigyan lamang ng second chance ay kung may nararamdaman pa s’ya sa’yo. Kung bibigyan ka ng second chance dahil lang sa awa sa’yo na nakikita n’yang nahihirapan ka dahil sa sakit na nararamdaman mo, matatanggap mo ba? Huh! Magpakatotoo ka sa sarili mo, wag kang maging makasarili, at mas lalong wag kang plastik. At kung ikaw naman ang nag-iisip na magbigay ng second chance, mag-isip ka rin ng makalibong beses bago ka mag decision dahil baka sa bandang huli, mas lalo mo lang s’yang mapasakitan, binigyan ng pangalawang pagkakataon pero alam mo naman na iiwanan mo rin naman s’ya in the end...wag naman sana ganun, kawawa yung taong nasasaktan mo at masasaktan mo...kung ayaw mo na, sabihin mo tama na, it doesn’t work out, wag kang magpaasa sa wala dahil mas lalo mo lang palalakihin ang sugat na maari mong ibigay sa kanya...pag wala na, tama na, pag ayaw na, wag pilitin, dahil hindi nakukuha sa sapilitan ang tunay na nararamdaman ng isang tao, kusang umuusbong yan, kusang titibok yan pag oras n’ya ng tumibok, kusang darating yan pag oras n’ya ng dumating. Kusang iibig yan pag oras n’ya ng umibig. Wag mong sayangin ang puso mong magmahal sa hindi tamang pamamaraan, panahon...at tao.
Hanggang saan ba ang katatagan mo? Hanggang saan ka ba handang magparaya para lang maging masaya ang taong mahal mo? Hanggang saan mo ba kayang tanggapin at tiisin ang sakit? Hanggang saan at hanggang kailan ka susubok magmahal at muling masaktan?
Hanggang sa makamtan ko ang tunay na kaligayahan, hanggang sa matagpuan ang tunay na mamahalin at tunay na magmamahal sa akin at tanging kamatayan ko lamang ang tanging makakapagpahinto ng pagtibok ng puso ko upang muling magmahal at umibig ng totoo sa totoong tao kahit paulit ulit mang masaktan, kahit paulit ulit mang masugatan, kahit paulit ulit mang madapa, hanggang sa dumating ang itinakda para sa akin. At idinadalangin ko sa Maylikha sa atin, na sana...sana...at sana ay IKAW na yun.
hehehehe ... go loi ur so emo ha ... nyahahah ... :p
ReplyDeletesmile owaiz nalng ... :p
ingat
<3
Your right...
ReplyDeletesometimes we must give space...
to make it right...
```keep loving loi, trials lng yan. and and2 nmn kmi mga friends m hehehe... wag emo ^_^
ReplyDeleteAndaming iba jan noh.. You're such a pretty woman pa.. Kya dont be sad, ok.. Love u loi..
ReplyDeleteSusss, salamat salamat, sandali nalang 2, magiging madali nalang to basta maraming sumusuporta, salamat salamat. ILOVEYOU ALL!
ReplyDeleteno comment ... :p
ReplyDeletekeribells lang yan! :)) wag emo! :) pero cool ganda! :D
ReplyDeleteang ganda neto pero d talga ko marunong magbasa haha ang galing tama
ReplyDelete